Maraming nagtatanong kong sino nga ba talaga ang katauhan ni Andy Cano. Maraming pagkakataon na sya ay naging kilala sa kanilang komunidad at sa kanilang paaralan at pati na rin sa kanilang organisasyon. Ano nga ba ang kanyang naging karanasan at nagawa sa buhay? Ano ba ang kanyang tunay na katauhan?
Well, ito ang aking talambuhay.
Ang aking tunay na pangalan ay Andy Signap Cano, ipininanganak noong Hulyo 6, 1988 sa Tignapoloan, Cagayan de Oro City Misamis Oriental Philiipines. Ang aking mga magulang ay sina Victoria Signap at Narciso Cano. Kami ay apat na magkakapatid, tatlong babae at isang lalaki at iyon ay ako. Ang aking mga kapatid ay mayroon nang sariling pamilya. Ang aking ama ay namatay na noong akoy apat na taong gulang. Sa sobrang hirap ng buhay ako ay hindi agad nakapag enroll sa kolehiyo kaya naisipan kong magtrabaho muna at mag-ipon para may magamit sakaling gusto ko nang mag-aral. Hindi rin pwedeng magpatustos sa king ina sapagkat wala naman siyang regular na pinagkikitaan. Noong matapos ko ang sekondarya sumama ako ng aking pinsan sa Baguio City upang magtrabaho at sumampalad na baka doon ako makapag-aral. Nabigo ako sapagkat sa muarang edad di ko kinayang humiwalay sa aking ina. Labing- pito palang ako noon ng pumunta sa Baguio City kaya naisipan kong bumalik sa Cagayan de Oro at inisip na bakat dito lang talaga ang aking kapalaran. Priority ko kasi ang makapagtapos ng pag-aaral dahil sa aking ambisyon na magkaroon ng sariling trabaho at magandang buhay. Ayokong matulad sa aking mga magulang na walang natapos sa pag-aaral at pati na rin sa aking mga kapatid na maagang nakapag-asawa. Kaya noong bumalik ako sa Cagayan de Oro nag apply ako ng trabaho at sa awa ng diyos may tumanggap sa akin sa ganoon ka murang edad. Nakatrabaho ako sa Gardenia Guesthouse bilang waiter at Front Desk Clerk evening shift noong nasa guesthouse ako. Pagkatapos noon at naisipan kong mag-aral alam ko kasing ang kahirapan ay hindi hadlang para sa aking mga ambisyon at tagumpay.
Ako ay nakapagtapos sa elementarya noong 2001 sa Man-ai Elementary School at naging
valedictorian sa aming paaralan. Sa Tignapoloan National High School naman noong 2005 at naging class valedictorian sa aming batch. Marami narin akong sinalihan na mga kompetisyon sa aming paaran.
Sumali ako sa:
Inter School Math Competition Contest (sponsored by Metrobank)
Inter School Science Quiz Contest
Inter School AKO AY FILIPINO Essay and Writing Contest
Manresa Farm Educational Tour
Sa aking Sekondarya pinarangalan ako bilang:
Gold Medal from the Senate President for Academic Excellence
Gold Medal for Leadership Award
Best in Science
Best in Makabayan
Sa Extra-cirricular, tinanghal akong:
Student Body Organization Vice-President-2003 to 2004
Student Body Organization President-2004-2005
Glee Club member-2001-2002
Media Club-2001-2002
Sa aking organisasyon sa kasalukuyan:
Youth Advocates for United Nations (YAUN) CDO Chapter Vice-President
Youth Vote Philippines-member
Palawan Corps. -member
Voice of the Youth Network(VOTY)-Cagayan de Oro Coordinator
Partido Kalikasan Organization-member
Youth for Change International-member
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang aking pakikibaka para sa aking kinabukasan. Nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil sa pagkakataon na nakapag-aral ako ng kolehiyo at nabigyan ako ng scholarship.
Ang aking pagkaka involved ng mga organisasyon ay isa rin na inspirasyon upang ang ibang katulad ko ay marunong tumayo at huwag mawalan ng pag-asa. Ang organisasyon na patuloy kong sinasalihan ay ang dahilan upang ang mga kabataan sa buong bansa ay magkakaroon ng pagbagbago sa kanilang sitwasyon na maging isang mabuti at agresibo sa ating bansa.
"Serving to others makes me delight and total satisfaction of being me"
"Ang patuloy na pananalig sa Diyos ay isang mabuting dahilan upang tayo ay wag mawalan ng pag-asa. Ang mga problemang dumating sa ating buhay ay dahilan upang magkaroon ng sense ang buhay at kong gaano kalaki ang ating paniniwala sa Diyos".
Wednesday, October 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


Great information about writing! If you ever need any help with proofreading, editing or research check out Writer’s Help. They are a great resource for personal, educational or business writing needs. The website is DigitalEssay.net
ReplyDelete